Add parallel Print Page Options

20 Pagkatapos, ipinagbilin niya sa kaniyang mga alagad na huwag nilang sabihin kaninuman na siya ay si Jesus, ang Mesiyas.

Ipinagpaunang Banggitin ni Jesus ang Kaniyang Kamatayan

21 Magmula noon, ipinaalam ni Jesus ang mga bagay na ito sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya: Kailangan kong pumunta sa Jerusalem. Doon ay magbabata ako ng maraming pahirap sa kamay ng mga matanda, mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Papatayin nila ako at muli akong mabubuhay sa ikatlong araw.

22 Isinama siya ni Pedro at nagsimulang sawayin siya na sinasabi: Panginoon, malayo nawa ito sa iyo. Hindi ito mangyayari sa iyo.

Read full chapter